top of page

in  erted

p y r a m i d 

World Health Organization inendorso ang herbal na gamot

​

        Madami nang lumalabas na mga impormasyon nasapat para tangkilikin ang mga herbal medicine sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga gamot.

 

        Ayon kay Legarda, ang WHO o World Health Organization ay nangunguna sa pag-eendorso ng mga halamang-gamot bunga ng mataas na presyo ng medisina na hindi kayang bilhin ng mga tao lalo na ng mahihirap. Idinugtong ni Legarda na magandang alternative medicine ang mga halamang-gamot na napatunayang mabisa simula pa lang nang gamitin ang mga ito ng ating mga ninuno.

 

        Ayon pa kay Legarda, napakaraming halamang-gamot dito sa Pilipinas dahil nakagawian na mga tao na magtanim nito upang makatipid pag dating sa gamot.

 

        Ang malunggay na napakasustansiyang gulay ay maraming karamdamang pinagagaling bukod pa sa ito ay nagpapadagdag ng gatas ng mga inang nagpapasuso.

 

        Isa pang mabisang gamot ay ang lagundi. Ang lagundi ay mabisang gamot sa ubo. Ang mga may diperensiya sa baga ay nagsabi na malaking tulong sa kanila ang halamang-gamot na ito.

 

        Ang malunggay at lagundi ay kabilang sa mga herbal medicine na ginagawang tabletas na ibenebenta sa mga drugstores.

© 2023 by The New Frontier. Proudly created with Wix.com

  • Grey Twitter Icon
  • Grey Instagram Icon
  • Grey Facebook Icon
bottom of page