top of page

OPINION



Hindi bababa sa 65% ang bilang ng mga taong gumagamit ng herbals. Dahil sa malawakang pag gamit nito bilang isang epektibo at affordable na gamot dahil sa kailangan mo lang itatanim ito sa iyong bakuran. Ayon sa report ng National Center for Health Statistics (NCHS) noong taong 2017 mas lumala o dumami ang mga taong gumagamit nito dahil sa natural na panggamot ito. At maaaring gawing panglunas ito sa anumang uri ng sakit o karamdaman.
Ayon nga sa pag aaral na ito, 4 sa 10 tao ang gumagamit ng mga herbals bilang isang panggamot. Dahil sa mga pag aaral ng mga propesyonal, sinasabing ang mga gamot na damo o herbals ay maaaring panggamot anumang uri ng sakit dahil sa epektibo ito.
​
Malaki ang maitutulong ng herbals sa isang tao bilang isang gamot. Kagaya nalamang ng sambong (Blumea Camphor) na maaaring gamot sa kidney dahil sa diuretic qualities nito at pwede rin sa mga taong matataas ang uric acid. Pwede itong inumin tuwing hapon para gawing tea at ang isa pang epektibong gamit ay ang akapulko (Ringworm Bush) na kilala ng mga tao bilang bayabas-bayabasan. Ginagamit ito para gamutin ang Tinea infections, kagat ng mga insekto, eksema at ang mga kati-kati sa katawan.
​
Sa pamamagitan ng mga gamot na ito, madaming gumagaling na tao lalo na sa mga matatanda. Kahit na walang gastos dahil nga sa tinatanim lang at maaaring manghingi sa iyong kaibigan o kanino mang may tanim nito. Sa ngayon ay wala pa gasinong nag papatunay o wala pa gasinong ebidensya na hindi mabisa o nakakagaling ang gamot sa ito.
bottom of page